Wednesday, February 20, 2013

Living the American Dream

At first, wala sa isip kong makapunta ng US, ang mahal kaya! Not until December 2011 when I was chosen to represent our department at Washington DC for a project that we will do and coordinate with the US team. Hesitant to the max talaga ko because I was not-that-much interested before; nakakatulugan ko pa nga yung mga video trainings na pinadala for us to watch. Honestly, wala akong naintindihan sa una, pero naisip ko sige why not try? There are several changes kaya ang unang plan na one month training ng December ay na move ng January para pagkatapos na lang daw ng holidays. I was scheduled to have an interview at the US embassy for a B1/B2 visa, but I did not show up because the most important document was not sent to us (invitation letter). Mahirap nang maquestion tapos babagsak kung kulang ang papers. At first medyo disappointed kasi minamadali yet walang invite from them? Then came February, nasuklian ang US tour ng Asian tour because I replaced one supervisor to attend the annual partner's meeting because of her health issues. Eto na naman ako, that time mega tanggi talaga ko dahil hello, puro Partners lang naman ng firm ang makikita at tutulungan ng department ng personal! Whew! Well, it paid off naman kasi napraise naman ang gawa ko dun, kumbaga nag knuckles-to-knuckels pa kami ng isang Partner after editing his presentation on the spot. One week lang ako dun kasi wala na kong extra money to stay dahil binili ko si Thirdy (my iPad) out of kaartehan dahil di natuloy si US. Then came March, April, May (birth month ko) na wala akong ginawa kundi mag-out of town. June, July when I was informed of the possibility of going to US for 4 months. Hmmmmm.... August, naudlot si Boracay gawa ng pagaasikaso ng requirements pa-US. Nakipag skype, nakipag palitan ng emails, humarap sa US embassy for a visa, gumastos, napressure, natension (call it whatever) lahat ata sinuong ko na makumpleto lang requirements! Nagnovena, nagtirik ng kandila even nagpahula pa ko (eto nakakatuwa, never ko sinabi sa manghuhula na baka umalis ako by Aug or Sept pero nakita nya!) positive naman somehow yung mga nasabi nya.

Si August na-move dahil ang supposed to be the day na dapat asa US na ko eh maaga pa sa schedue ng interview ko sa embassy, binaha kasi sya! Eto pa nakakastress na nangyari during the process:

1. Nawalan ako ng internet connection the day na makikipag skype ako sa US; kundi pa ko nangaway ng isang agent ng Smart baka di pa makakabit after almost 2 hours

2. Binaha ang embahada

3. Graveyard shift ako (puyat na puyat)

4. Medyo naaward ng contact namin sa US dahil sa mga namiss na instructions

5. Nung nasa embassy na ko, saktong 1000 lang ang pera ko; bumili lang ng inumin para mabaryahan - nagtaxi ako papunta so ang sukli ay almost 900 na lang. Nung nasa loob na ko, may babayaran pang 20usd; and I was like sweating sa white kong long sleeves (as always) dahil baka kulang ang pera ko. Di ko alam palitan ng dollar to peso eh. Buti may nagsabi saken na kasya ang pera ko. The whole interview, I was left with 40 pesos in my pocket!

6. Habang nasa immigration na ko at palipad na, naharang at pinauwi gawa ng walang sticker daw ang passport ko. Who the hell knows about it, ugh!

7. Ano pa ba? Alam ko meron pa... Isipin ko pa.

Pero for the sake of coming to US, lumaban pa din. Gawa ng item 6, nanahimik ako ng ilang araw and I'm sorry. You can't blame me. Iyak ako ng iyak sa loob ng airport nun. Ayaw ko na lang kasi paulit ulitin yung frustrations and sadness kung magkukuwento ako ng paulit-ulit. Kaso nagmukha naman akong weak. Oo inaamin ko naman, kilala ako sa pagiging ganito, eh nadepress ako eh! :(

Anyway, naayos naman after 4 days and kinabukasan lipad na ko. I was really praying na sana wala nang aberya.

Yes, andito na ko sa America! :)

I do not know what lies ahead pero mahaba haba din ang four months. May pagka engot pa naman ako minsan so posibleng baka pauwiin ako ng maaga, worse mawala ang tiwala samin (kasi I am representing the team). I do not have any backgrounds netong project na ito until ginagawa ko na sya ng regular; I can't promise to be the best at all times pero gagawin ko lahat ng makakaya ko, sayang ang ginastos dito noh! :)

No comments:

Post a Comment